Skip to main content

Posts

Near Thirty

  Before You Jump to Conclusions: Ayoko mag tunog Emo dito, OK? It’s a reminder lang para sa akin ito.. A reminder na hindi makipag deal masyado sa emosyon ko. Malapit na tayo sa 30s (Wag mo na tanungin kung ilang taon na ako ngayon) People start being too emotional… Pagtapak ng 30s. At mas lalong lalala sya.. pag sapit ng 40s Kaya nga daw may sinasabing, “Life begins at 40” Unti-unti mo na daw kasi mara-ramdaman yung bigat ng mundo Mare-realize na hindi habang buhay, malakas yung katawan mo, etc. That’s according sa mga nababasa ko at pinapatunayan yan ng mga taong nasa paligid ko.   Yes, as of now I surrounded people who are at that stage. Hindi lang physical health ang problem na nai-share nila Also, their mental health. They are talking about anxiety and depression.. How life being so hard for them, The career,  Financial Status, And yung pinaka masakit na kwento na narining ko? About their families. Yung pamilyang nabuo nila....
Recent posts

Attention Residue

  2012 noong nagsimula akong maging curious in software development. After I graduated from high school mas lumawak pa yung curiosity ko And I decided na yun na ang kunin kong course pag dating ng college. Di ko akalain na magiging ganun ako ka-passionate dito. Dumating pa sa point na parang ayoko ng matuto ng iba,  Parang naka-settle na yung utak ko sa ganung knowledge. Kasi takot mawala sa focus or may makalimutan na related sa programming. Ganun. In an early stage of being an I.T. student. Nakapag-create agad ako ng dalawang web application na almost 95% yung production, As in almost done sya pare! (Mga panahon kasi na ‘yun, kapag 2 nd year student ka pa lang, impressive na ‘yun) Grabe lang yung sipag noon  Parang naibuhos ko dun lahat ng energy at ideas ko Pagtungtong ko ng 4 th year as a student Unti-unting nabubuo yung doubts Started asking myself... “Kaya ko pa bang ituloy ‘to?” “Ito ba gusto kong gawin araw-araw?” “Ito ba yung gusto kong career ...

Good Day Manager!

    In a past few days, I witnessed different types of emotions And a picture above showed me that. Wait.. a chart? A candle stick? Yeah! A price chart of SLP or the Smooth Love Potion of Axie Infinity.   Then how should I say na doon ko nakita ang iba’t ibang klase ng emosyon. Let me explain it to you in this way.   May mga nagyaya mag kape Ang iba sabi “proof na hindi scam yung axie.” May kakain ng ipis pag umabot daw P2.00 yung price. They act like they won on a lottery That’s Excitement!   Well hindi naman tayo nagpapaka-KJ dito ano. But for me its too early to celebrate. Medyo malayo pa tayo sa katotohanan mga brad! May mga binabago na rules si Axie sa game ngayon. And if you’re good in fundamental analysis. That news is not a good one.   Yung price action na nangyari in a past few days is not a good sign para bumili. There’s a lot of price correction na mangyayari. Lalo na madaming nagpost sa social me...

What We Really Need To Do?

Di muna tayo magtutunog makata.  Pero ayaw ko din naman na seryosohin mo ‘to masyado. Wala akong makausap about dito, parang sasabog na ata utak ko kakaisip. Babawasan ko lang. hehe And I just want to leave it here.   “The more I learn, the more I realize how much I don’t know”   Kapag ang topic ay investments  At pagdating sa usaping risk and reward, mostly ang mga tao umaatras. Aayaw kapag malaman nila kung gaano kalaki yung risk. Kapag kinuwento mo, “pwede ka dito talagang ma wipe out”. Mawawalan na agad sila ng pag-asa ‘ni hindi pa nga nagsisimula. Hindi ko din naman kasi talaga sila masisi at matutulungan kapag umabot sila sa point na yun. Syempre ang bottom line dun, that’s your hard earned money,  At the end of the day, ikaw pa din ang mag de-desisyon para sa sarili mo.   Siguro nga, wala pa talaga akong alam. Lalong-lalo na sa mga ganitong klase ng sitwasyon sa buhay ko. Kung ano-ano ang sinusubukan, parang wala ng dire...

Magulito

    Ako ay Nasa punto Nang pagkalito Di alam kung san patungo   Hahanapin ang sarili Muli! Hahanapin ang ngiti Mabibigyan pero saglit Ibibigay pero pilit   Ang sarap nga Ikaw ang dahilan Kaya sya nandyan Ikaw naging daan Sa kanyang patutunguhan   Natuto na.. Hindi lahat Palaging Masaya Hindi palagi Na mayron pa At magbibigay ka   Ayoko Sa Pakiramdam na Kasi parang naiinip na Hinahanap sa sarili ang para   Sa Kanya?   Iisa lang naman Hiling ang laging laman Sana.. Pag sa akin na.. Whoa!

Para 'San Nga Ba? (Ito'ng Blog Ko)

Marahil ay tinatanong mo na Kahit nga klasmeyt ko tinanong niya na Sa akin, kung para 'san nga ba? Ano nga ba? Bakit nga ba? Talaga ba? Aba! Aba! Aba! Namimihasa ka na Pagtawanan ba naman ako Nung habang natataranta at nauutal pa  Sabay sabi ng 'Ewan ko?' Eh... Pa'no? Naikwento ko lang naman  Na may blog ako Nakuha ko pa nga'ng ilagay yung URL Sa bio ng Instagram account ko Oh 'di ba ang kapal ko? Kaya siguro napunta ka dito At nagawa mo pa'ng basahin 'to Aksidente mo kasi na-click yung link Na nasa profile ko O baka ginusto mo? Nagbabakasakaling may sikreto ako Kaya ang tanong ko naman sa'...