Skip to main content

Attention Residue

 


2012 noong nagsimula akong maging curious in software development.

After I graduated from high school mas lumawak pa yung curiosity ko

And I decided na yun na ang kunin kong course pag dating ng college.


Di ko akalain na magiging ganun ako ka-passionate dito.

Dumating pa sa point na parang ayoko ng matuto ng iba, 

Parang naka-settle na yung utak ko sa ganung knowledge.

Kasi takot mawala sa focus or may makalimutan na related sa programming. Ganun.

In an early stage of being an I.T. student.

Nakapag-create agad ako ng dalawang web application na almost 95% yung production,

As in almost done sya pare! (Mga panahon kasi na ‘yun, kapag 2nd year student ka pa lang, impressive na ‘yun)

Grabe lang yung sipag noon 

Parang naibuhos ko dun lahat ng energy at ideas ko


Pagtungtong ko ng 4th year as a student

Unti-unting nabubuo yung doubts

Started asking myself...

“Kaya ko pa bang ituloy ‘to?”

“Ito ba gusto kong gawin araw-araw?”

“Ito ba yung gusto kong career path someday?”


Three months after I finished my college, got my first job.

As a technical support. (Yeah, yaah, I know.)

Malayo sa ini-expect ko.

Even my brain doesn’t expect it.


First 3 months in my job...

Hirap mag adjust para sa bagong routine at environment.

Minamadali ko yung mga trabaho ko kasi feeling ko may gagawin pa ako mamaya.

Yung pakiramdam na parang  may nakalimutan akong gawin

Parang di ko kayang i-absorb yung new learnings at experiences ko

Sobra akong nahihirapan sa pag-familiarize ng trabaho ko.

Pero sa loob ng utak ko?

“Madali lang ‘yan, basic lang naman yung mga pinapagawa sa’yo”,

“Mas mahirap pa nga programming dito, yan pa kaya pag familiarize lang?” (Haha, this is annoying, I know)

Feeling ko araw-araw, first day ko sa trabaho ko.

Tumagal ng 2 years yun pare!

Two years after ko pa tinanggap na hindi na pagiging software developer ang magiging career path ko.

 

“The biggest lesson I learned is not to force anything; Anything forced is just not worth fighting for, whatever flows, flows, what crashes, crashes. It is what it is”


But still grateful sa kung anong meron tayo ngayon.

I met new people, new friends and especially I learned new skills, right?

I learned not to focus on one thing.

Lalo na sa knowledge na kailangan ko'ng i-engage.

As a technical support akala ko skill sa hardware troubleshooting lang ang matutunan ko dito.

Malaki din pala naging impact nito for my personal growth.

God has a perfect plan for you, ika nga nila.

Maybe hindi pa natin alam kung bakit nangyayari sa atin 'to ngayon

Pero someday maiintindihan mo din.

Basta wag mo lang isara yung utak at puso mo.


"Destiny is not a matter of chance, it's a matter of choice."


May mga bagay daw na hindi natin kayang kontrolin.

Nabuhay daw tayo sa mundong ito na yung mga bagay na yun, ay nandyan na.

Katulad ng, may mahirap at may mayaman,

May buo ang pamilya meron namang hindi,

Minsan ang buhay masaya, minsan malungkot, etc.

Ngayon ang challenge dito is, how you will react to that situation in your life.

Hindi naman tayo ganun ka-powerful na kapag hindi natin gusto ang mga nangyayari sa atin…

Eh, press DEL (Delete) or press CTRL+Z (Undo) nalang?


"The most powerful ability of a human is self-awareness."


Tayo daw ang pumipili ng magiging buhay natin.

That is why we are still in the situation where we are now,

It's simply because we always chose to be on that situation.

You attract negative/positive things, if...

You have negative/positive thoughts,

You will have negative/positive thoughts,

If you have negative/positive emotions.

Ganun daw yung law of attraction.


Before ka mag desisyon sa lahat ng sitwasyon sa buhay mo...

Maging aware ka lang sa emosyon mo.

Ask yourself, 

What kind of emotions do you have right now?

Masaya ka ba? Malungkot?

Excited ka lang ba?  Natatakot? Etc.

Matuto tayong mas piliin ang mga bagay na kaya nating kontrolin.


Popular posts from this blog

Near Thirty

  Before You Jump to Conclusions: Ayoko mag tunog Emo dito, OK? It’s a reminder lang para sa akin ito.. A reminder na hindi makipag deal masyado sa emosyon ko. Malapit na tayo sa 30s (Wag mo na tanungin kung ilang taon na ako ngayon) People start being too emotional… Pagtapak ng 30s. At mas lalong lalala sya.. pag sapit ng 40s Kaya nga daw may sinasabing, “Life begins at 40” Unti-unti mo na daw kasi mara-ramdaman yung bigat ng mundo Mare-realize na hindi habang buhay, malakas yung katawan mo, etc. That’s according sa mga nababasa ko at pinapatunayan yan ng mga taong nasa paligid ko.   Yes, as of now I surrounded people who are at that stage. Hindi lang physical health ang problem na nai-share nila Also, their mental health. They are talking about anxiety and depression.. How life being so hard for them, The career,  Financial Status, And yung pinaka masakit na kwento na narining ko? About their families. Yung pamilyang nabuo nila....

What We Really Need To Do?

Di muna tayo magtutunog makata.  Pero ayaw ko din naman na seryosohin mo ‘to masyado. Wala akong makausap about dito, parang sasabog na ata utak ko kakaisip. Babawasan ko lang. hehe And I just want to leave it here.   “The more I learn, the more I realize how much I don’t know”   Kapag ang topic ay investments  At pagdating sa usaping risk and reward, mostly ang mga tao umaatras. Aayaw kapag malaman nila kung gaano kalaki yung risk. Kapag kinuwento mo, “pwede ka dito talagang ma wipe out”. Mawawalan na agad sila ng pag-asa ‘ni hindi pa nga nagsisimula. Hindi ko din naman kasi talaga sila masisi at matutulungan kapag umabot sila sa point na yun. Syempre ang bottom line dun, that’s your hard earned money,  At the end of the day, ikaw pa din ang mag de-desisyon para sa sarili mo.   Siguro nga, wala pa talaga akong alam. Lalong-lalo na sa mga ganitong klase ng sitwasyon sa buhay ko. Kung ano-ano ang sinusubukan, parang wala ng dire...