Marahil ay tinatanong mo na
Kahit nga klasmeyt ko tinanong niya na
Sa akin, kung para 'san nga ba?
Ano nga ba?
Bakit nga ba?
Talaga ba?
Aba! Aba! Aba! Namimihasa ka na
Pagtawanan ba naman ako
Nung habang natataranta at nauutal pa
Sabay sabi ng 'Ewan ko?'
Eh... Pa'no?
Naikwento ko lang naman
Na may blog ako
Nakuha ko pa nga'ng ilagay yung URL
Sa bio ng Instagram account ko
Oh 'di ba ang kapal ko?
Kaya siguro napunta ka dito
At nagawa mo pa'ng basahin 'to
Aksidente mo kasi na-click yung link
Na nasa profile ko
O baka ginusto mo?
Nagbabakasakaling may sikreto ako
Kaya ang tanong ko naman sa'yo kung ano?
'Yung totoo?
Pero kahit ano pa'ng katwiran 'yan
Taos pusong pasasalamat ko naman
Dahil sa simpleng pag-visit lang
Ito ang nais ko na iyo'ng malaman
Bilang ng bumibisita muli ay nadagdagan!
Ikaw ang gagawing inspirasyon at magiging dahilan
Kaya ang tanging pakiusap
Ako ay pagbigyan
Dahil wala naman ako'ng hilig
Sa pag-post ng status ko
Sa mga social media na 'yan
Eh... Ano nga ba ang dahilan?
Ba't nagkaroon ako ng account sa mga ganyan?
Para mag-exist lang naman ang pangalan
Sa kakaibang mundo na dala niyan
Malaking tulong din naman
Dahil mga happy moments ko
May napaglalagyan
Pero hindi ibig sabihin malaking atensyon ay kailangan
Nagpapainggit o mayabang ang dating man?
Hindi iyon ang intensyon naman
Iniipon ko lang
Para balang araw may babalikan
Kaysa naman
Kung ano-ano ang nababasa't nakikita
Hindi tuloy alam kung ano'ng pinupunto n'ya
Pwede namang sarilihin at ipasa-diyos mo na
'Yung tipong bahala na si karma
Na-gets mo ba?
Baka hindi pa?
Parang gan'to lang ba:
Ramdam namin 'yung sakit kasi nasugatan ka, sumelfie pa!
May umaway sa'yo tapos na-badtrip ka, sumelfie pa!
Nag-break kayo ng syota mo, may luha!
Halata nga, sumelfie pa!
Kailangan na i-post mo pa ba?
Lokong 'to! With caption na nga, may mura pa?
Kung may personal na pinagdadaan ka?
I-P.M. mo ko ha?
Pero 'wag ka!
Nang dahil d'yan mas madali na ako ma-reach!
Natuto na lang gamitin bigla kahit wala'ng nag-teach
Ipunin ko man ang mga likes ko
Hindi ko naman 'yun ikaka-rich
Teka, napakamot ako sa ulo..
Nagkaron' yata ako ng itch?
Sa pagpapaputi ng damit gumamit ng Tide Bleach
Ngek! Ang dulo'y magkakatunog nga
Ngunit ang kuwento'y hindi na tugma
Sa tingin ko ito'y hudyat na
Ako at ang aking panulat ay kailangan ng magpahinga
Subalit huwag ka'ng mag-alala
Dahil hindi ito ang wakas pa!
Kung ang tanong mo ay 'May susunod pa ba?'
Aba! Taas noo na sasabihing maka-aasa ka!
Huwag ka nga lang sana magsawa
Dahil sa aking blog, ikaw ang natatanging biyaya
Oh siya! Sa katanungang 'Para san nga ba?'
Comments
Post a Comment