Skip to main content

What We Really Need To Do?


Di muna tayo magtutunog makata. 

Pero ayaw ko din naman na seryosohin mo ‘to masyado.

Wala akong makausap about dito, parang sasabog na ata utak ko kakaisip.

Babawasan ko lang. hehe

And I just want to leave it here.

 

“The more I learn, the more I realize how much I don’t know”

 

Kapag ang topic ay investments 

At pagdating sa usaping risk and reward, mostly ang mga tao umaatras.

Aayaw kapag malaman nila kung gaano kalaki yung risk.

Kapag kinuwento mo, “pwede ka dito talagang ma wipe out”.

Mawawalan na agad sila ng pag-asa ‘ni hindi pa nga nagsisimula.

Hindi ko din naman kasi talaga sila masisi at matutulungan kapag umabot sila sa point na yun.

Syempre ang bottom line dun, that’s your hard earned money, 

At the end of the day, ikaw pa din ang mag de-desisyon para sa sarili mo.

 

Siguro nga, wala pa talaga akong alam.

Lalong-lalo na sa mga ganitong klase ng sitwasyon sa buhay ko.

Kung ano-ano ang sinusubukan, parang wala ng direksyon.

Di ko alam kung kailan ako matatapos sa level ng “keep on trying”

Everytime I ask myself..

Ano ba tong pinag gagawa ko sa sarili ko?

Bakit nga ba ako nandito?

My mind always remind me, “Hindi ka kasi mayaman”

The more ko naiisip yun, the more naman nagkakaroon talaga ako ng desire.

Learn more! Kasi hindi tayo mayaman!

Explore more! Kasi hindi tayo mayaman!

May mga tao akong napag kekwentohan about sa kung ano-ano yung mga pinaggagawa ko sa buhay.

Nagtutunong recruiter na nga ako sa kanila eh. Lol

Akala siguro nila o-offeran ko sila ng insurance, or isang investment like pyramiding. Hahaha

Dami ko kasing na-realize lang (reader na din kasi tayo ngayon, medyo mahilig na mag basa ng libro.. naaaks!)

Gusto ko lang naman kasi i-share kung anong learnings yung nakuha ko sa mga nabasa ko.

Then one day, sabi ko.. tama nga sabi nila, “Don’t tell the world what you're doing, work hard in silence, let your success be your noice.”

The saddest reality I realized was, walang maniniwala sa’yo hanggat wala kang result na naipapakita sa kanila.

What I’m really trying to say here is.. Di mo kailangang sumama sa’kin, na kung ano ang ginagawa ko.. dapat gawin mo din.

No, hindi ganun.

I believe that we have a different perspective in life.

We have different definition of success.

Merong mga tao that’s why nagpapatuloy sila sa path na kung anong meron sila it is simply because.. masaya sila sa ginagawa nila.

Ganun naman kasi talaga dapat.

Dapat masaya ka sa lahat ng ginagawa mo.

Hindi sapat yung “ok na ako sa kung anong meron ako ngayon"

You know

Hindi naman masamang makontento sa buhay.

Hindi mo naman kailangan ng mga magagarang bagay na yan.

Ok lang mabuhay ng simple.

But do not stop to keep on learning.

Do not stop to keep improving yourself.

 

 

Popular posts from this blog

Near Thirty

  Before You Jump to Conclusions: Ayoko mag tunog Emo dito, OK? It’s a reminder lang para sa akin ito.. A reminder na hindi makipag deal masyado sa emosyon ko. Malapit na tayo sa 30s (Wag mo na tanungin kung ilang taon na ako ngayon) People start being too emotional… Pagtapak ng 30s. At mas lalong lalala sya.. pag sapit ng 40s Kaya nga daw may sinasabing, “Life begins at 40” Unti-unti mo na daw kasi mara-ramdaman yung bigat ng mundo Mare-realize na hindi habang buhay, malakas yung katawan mo, etc. That’s according sa mga nababasa ko at pinapatunayan yan ng mga taong nasa paligid ko.   Yes, as of now I surrounded people who are at that stage. Hindi lang physical health ang problem na nai-share nila Also, their mental health. They are talking about anxiety and depression.. How life being so hard for them, The career,  Financial Status, And yung pinaka masakit na kwento na narining ko? About their families. Yung pamilyang nabuo nila....

Attention Residue

  2012 noong nagsimula akong maging curious in software development. After I graduated from high school mas lumawak pa yung curiosity ko And I decided na yun na ang kunin kong course pag dating ng college. Di ko akalain na magiging ganun ako ka-passionate dito. Dumating pa sa point na parang ayoko ng matuto ng iba,  Parang naka-settle na yung utak ko sa ganung knowledge. Kasi takot mawala sa focus or may makalimutan na related sa programming. Ganun. In an early stage of being an I.T. student. Nakapag-create agad ako ng dalawang web application na almost 95% yung production, As in almost done sya pare! (Mga panahon kasi na ‘yun, kapag 2 nd year student ka pa lang, impressive na ‘yun) Grabe lang yung sipag noon  Parang naibuhos ko dun lahat ng energy at ideas ko Pagtungtong ko ng 4 th year as a student Unti-unting nabubuo yung doubts Started asking myself... “Kaya ko pa bang ituloy ‘to?” “Ito ba gusto kong gawin araw-araw?” “Ito ba yung gusto kong career ...